Pinoy Love Teams Mix and Match

Pinoy Love Teams Mix and Match

Love team dito, love team doon. Puro na lang love teams ang laman ng showbiz sa Pilipinas. Sabagay, marami rin namang mga batikang artista ang nanggaling sa love teams. Aaminin ko, pinakilig din ako ng mga love teams na ito. Sino ba naman ng hindi matutuwa kila Nadine Lustre at James Reid (JaDine) sa movie na Diary ng Panget? Yan yata yung first time na naadik ako sa Pinoy rom-coms. Sinunod sunod ko na.

Pinanood ko yung She’s Dating the Gangster nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel) na para sakin eh isa sa pinaka magandang movie na ginawa ng love team ngayon. Na-touch lang naman ako sa movie. Last week, pinanood ko yung movie nina Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen) na Everyday I Love You. Halimaw naman sa ganda nitong si Liza Soberano, hindi tuloy ako naka concentrate sa movie. Sa mga love teams ngayon, parang yung sila Maine Mendoza at Alden Richards (AlDub) na lang ang hindi pa ako napapakilig. Nanonood ako ng Kalyeserye noon, pero more like natatawa kasi ako sa kanila kesa kiligin. Saka parang si Lola Nidora naman yung bida doon, tama ba?

Minsan hindi nyo ba naiisip na kung sino ba talaga nagdadala sa mga love teams na ito. Sikat ba ang JaDine dahil kay James Reid or si Nadine Lustre naman talaga yung humahakot ng fans? Paano kung si Daniel Padilla eh kay Jasmine Curtis napartner noon pa, kamusta naman si Kathryn Bernardo ngayon? What if biglang umamin na bakla pala itong si Alden Richards, quit showbiz na ba si Maine Mendoza? Nakakatuwa lang isipin. Sisikat pa rin kaya sila kung iba ang ka-love team nila? Sa tingin ko OO, at merong mas sisikat pa, pero dapat ganito ang pairings nila:

Liza Soberano and James Reid (LiJa)

Lisa Soberano and James Reid

Liza Soberano and James Reid (LiJa)

Ito na siguro ang pinaka goodlooking na love team ever. Kapag nawalan na ng spark ang JaDine at LizQuen, sana mabuo na ang LiJa. Sa totoo lang, mas bagay si James Reid at Liza Soberano. Pareho sila ng aura at vibes. Mga yayamanin at sosyalin na eye-candies pero may hatak sa masa. LiJa lang yata ang love team na masasabi kong equal, yung walang mas sikat sa kanila, pareho nilang dinadala ang career ng isa’t isa. Dapat kasi ito na lang talaga eh! Para sa akin perfect si James Reid at Liza Soberano sa isa’t isa. Para sa akin lang naman. Crush na crush ko kasi si Liza SOnerano tapos si James Reid, feeling ko kung babae ako baka nabuntis na ako nyan. Siguro ito lang ang love team na walang magiging haters. Imagine nyo na lang kung yung mga rom-com movies ni Direk Tonette Jadaone eh LiJa ang bida, sure ako hanggang Hollywood sisikat at pipilahan. May pag-asa pa kaya? James Reid and Liza Soberano, kayo na lang, please?

Dream Team na Love Team: LiJa (James Reid/Liza Soberano)

Alden Richards and Enrique Gil

Alden Richards and Enrique Gil

Alden Richards and Enrique Gil (AlQuen)

Siguro naman sa panahon ngayon mga open minded na ang mga magbabasa nito. Naisip ko lang kasi na parang bagay itong si Alden Richards at Enrique Gil. Pareho silang may clean image, mukhang mabango, tisoy at may boy next door demeanor.  Saka hindi ba nachichismis si Alden Richards na may pagka beki raw? Hindi ako basher ha, nababasa ko lang yan sa Facebook. Kaya parang bagay sa kanya ang bromance na love team. If ever magkatuluyan na nga si James Reid at Liza Soberno, sana marealize ni Alden Richards at Enrique Gil na may future sila. Teka, wala ako sinasabi na bading sila ha. Love team nga eh. It’s all for show. Pampakilig lang sa mga fans. Trabaho lang sa ngalan ang art. Imagine, if magkatotoo ang AlQuen, ito na yata ang first time na may legit same sex love team sa Pilipinas. Meron na ba? Hindi counted yung kay Aiza Seguerra ha, totohanan yun. Feeling ko sisikat ang AlQuen. Lagi itong mag trending sa Twitter worldwide. Puwede nila gawin yung remake ng My Husband’s Lover. Tapos after 3 years, kapag medyo nawawala na ang kasikatan nila, pwedeng umamin na si Alden na na-fall na sya kay Enrique. Instant sikat ulit sila. AlQuen is for real.

Controversial Love Team: AlQuen (Alden Richards and Enrique Gil)

Daniel Padilla and Maine Mendoza

Daniel Padilla and Maine Mendoza

Daniel Padilla and Maine Mendoza (DanDub)

Tumbong King meets Nguso Queen. Yes, I call Maine Mendoza the Nguso Queen kasi gustong gusto ko ang full lips nya. Lips nya ang best asset nya. Yung Tumbong King naman, narinig ko lang na may nag refer kay Daniel Padilla na ganyan. Wala ako idea kung bakit. Baka alam mo, paki-comment na lang. Itong love team na ito ang bagay sa isa’t-isa. Sila ang royalty kumbaga. Lilipat si Maine Mendoza sa ABS-CBN at ipapartner kay Daniel Padilla kasi wala nang chemistry ang KathNiel. Sisikat ang DanDub, mas sikat pa sa AlDub at KathNiel. Matutuwa si Karla Estrada kay Maine Mendoza. Ito yung tipo na love team na palaging may movie sa Metro Manila Film Festival (MMFF) every year tapos laging #1 sa takilya pero walang nakukuhang awards. Lahat ng commercials sa TV sila ang makikita nyo. Ang DanDub ang magiging rival ng LiJa at AlQuen. Medyo lamang ang DanDub kasi sobrang masa ang target market nila. Yung mga pulitiko nagkakandarapa i-endorse lang sila ng DanDub. Wala man silang appeal sa international market, ang Pilipinas baliw na baliw sa kanila. Ang pambansang love team.

Love Team ng Taon: DanDub (Daniel Padilla and Maine Mendoza)

Nadine Lustre and Xian Lim

Nadine Lustre and Xian Lim

Nadine Lustre and Xian Lim (NaXi)

Ang love team na napilitan. Yung tipong sinabi lang ng mga managers nila at big boss ng networks. Kailangan ng magandang break para sumikat ang NaXi, ang love team ni Xian Lim at Nadine Lustre. Try nila i-remake ang Diary ng Panget baka maulit yung nangyari sa JaDine na biglang sikat. Kaso iba si James Reid kay Xian Lim. Mas fresh at mabango ang appeal ni James Reid. Medyo mafufrustrate si Nadine Lustre kasi hindi sya sanay na hindi kinakagat ng madla ang mga projects nya. May mga loyal fans din naman ang NaXi pero ito yung tipong mga fans na hindi active sa social media at tamad manood ng sine. Nilalangaw man sa takilya, sa mall shows bumabawi ang tambalang Nadine Lustre at Xian Lim. Dinudumog ng tao ang mga free mall shows nila. Dapat nga Love Team sa Malls ang tawag sa kanila kaso may nangyari. Minsan habang kumakanta sa isa mall show si Xian Lim, biglang nag surprise appearance si Nadine Lustre. Medyo nagulat si Xian Lim kasi akala nya solo show nya ito. Nag pretend si Xian na wala si Nadine sa stage. Mukhang tanga si Nadine Lustre. Excuse ni Xian pagod lang daw sya. Since then, nawala ang chemistry ng NaXi. Nabawasan na rin ang mga shows. Turn off ang fans. Ang love team confused.

Update: May chismis na baka iwanan na ni Xian Lim si Nadine Lustre at tanggapin ang offer na gumanap bilang third wheel sa bagong teleserye nina Alden Richards at Enrique Gil. Lalong na confuse si Nadine Lustre at ang mga fans.

Confused Love Team: NaXi (Nadine Lustre and Xian Lim)

Kathryn Bernardo and Coco Martin

Kathryn Bernardo and Coco Martin

Kathryn Bernardo and Coco Martin (CoKath)

Finally, ang tambalang mas seseryosohin ng tao, ang CoKath. Nabuo ang love team na ito dahil sa likas na galing sa pag-arte at talento nina Kathryn Bernardo at Coco Martin. Mabibigyan ang CoKath na mga bigating pelikula at teleserye. Yung tipong araw-araw iyakan ang eksena. Mananalo ng samu’t saring awards si Coco Martin at Kathryn Bernardo pero hindi nila matatalo sa takilya ang mga pelikula ng LiJa at DanDub. Dahil dito, mababawasan ng projects ang CoKath. Lahat mapupunta sa LiJa at DanDub. Kahit nga yung AlQuen mas pinag-uusapan kesa sa kanila. Marami ang manghihinayang kasi sa lahat ng love teams, ang CoKath ang pinaka mahusay. Dahil hindi na patok sa Metro Manila, magfofocus sina Kathryn Bernardo at Coco Martin sa mga probinsya. Sa mga palabas sa probinsya magbabalik ang sigla at bango ng love team na ito. Gagawin nila ang remake ng Ang Probinsyano at ang pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig. Ito ang love team na pang matagalan. Kapag umamin sila na “CoKath is for real” maniniwala talaga ako. Ang love team na walang halong gimik. Hindi masyadong sikat, pero steady lang. Wala mang box-office hits, pero marami namang awards. Hindi sikat sa Metro Manila, pero pinagkakaguluhan sa mga probinsya.

The Provincial Love Team: CoKath (Coco Martin and Kathryn Bernardo)

Kaya sa mga fans ng JaDine, AlDub, KathNiel, KimXi, AlQuen at kung ano ano pang mga love teams dyan, relax lang kayo. Huwag kayong mag-away away kasi malay nyo sa future, mangyari yang mga love teams na yan sa taas. Pero kung ako lang ang masusunod, mas gusto ko ang mga bagong love teams na yan. Lalo na ang LiJa. Nananawagan po ako, James Reid and Liza Soberano, try nyo lang gumawa ng movie. Subok lang naman. Kayo lang sapat na. 🙂

Saka ang totoo nyan eh wala naman ako masyadong alam sa mga love teams na ito. Kaya nga puro James Reid and Liza Soberano ang nababangit ko kasi sila lang madalas kong mapanood at naririnig na kina-crush-an ng mga nanay, yaya, officemates at mga nagkalat sa Facebook. Kaya sana walang magalit sa sinulat ko. Biktima lang din po ako sa mga nababasa ko sa social media. Siguro kung mapapanood ko lang silang lahat, masasabi ko na okay naman pala sila as they are. Hindi na kailangan palitan ng mga partners. Siguro. 🙂